Martes, Marso 14, 2017

>Sektor Ng Agrikultura
Agrikultura
               Ang agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at mga tanim o halaman.ito ay may kaugnayan sa lahat ng gawain na sangkot ang mga hayop at halamanan.Ang bawat gawain ay sakop ng agrikultura.Ang bawat gawain ng sektor na ito ay may malaking naitutulong sa bawat pamumuhay ng mga tao at ng bansa.Ang sektor ng agrikultura ay may malaking gampanin sa pagpapaunlad ng Bansa.

                  Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng apat na subsectors: pagsasaka,pangangahoy,paghahayupan/pagmamanukan,at pangingisda na naglalarawan sa mga gawain ng agrikultura.


  • Paghahalaman

Ito ay tumutukoy sa mga pangunahing pananim ng bansa tulad ng palay,mais,niyog,tubo,saging,pinya,kape,mangga,tabako at abaka. Malaki rin ang produksyon ng gulay,halamang-ugat at halamang-yaman sa hibla(fiber) sa gawaing-agrikultura ng bansa. Halimbawa nito ay ang mani,kamotengkahoy,kamote,bawang,sibuyas,kamatis,repolyo,talong at kamatis.


  • Paghahayupan

Malawak ang industriya ng paghahayupan sa bansa.Mga pangunahing inaalagaan ang mga kalabaw,baka,kambing,baboy,manok at pato. Upang mapigilan ang pagbabayad ng bilang ng kalabaw,itinatag ang Batas Republika Bilang 7307 o ang Philippine carabao center na siyang nangangasiwa sa pagpapaunlad at pagpapaunlad ng populasyon ng mga kalabaw bilang katulong sa pagsasaka at pagkukulang ng karne,gatas at katad. Ang Batas Republika Bilang 8485 o ang Animal Welfare Act of 1988 ay nagpapahintulot na katayin ang kalabaw kung ito ay dalawa o tatlong taong gulang.


  • Pangingisda

Ang pilipinas ang pinakamalungkot prodyuser ng isda sa buong mundo. Nahahati ang industriya ng pangisdaang komersyal,municipal at aquaculture.ang aquaculture pinakamalawak ang kabuuan. Ang hipon at sugpo ang pangunahing produktong iniluluwas sa ibang bansa. Ang carrageenan ang damong dagat na ginagawang gulaman.




  • Pangungubat

Ito ay tumutukoy sa mga yamang-gubat kagaya ng troso,plywood,tabla at iba pang mga yamang nakukuha sa mga punung kahoy sa kahubatan. Kasama rin dito ang mga produktong gubat na hindi kahoy tulad ng rattan,nipa,anahaw,kawayan,pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
Mga dahilan at epekto ng mga suliranin sa sektor ng agrikultura

  • Pagkaubos ng kahubatan
  • Erosyon ng Lupa
  • Polusyon
  • Global warming
  • Kakulangan sa implementation Ng mga programang pansaktan
  • Kawalan ng suporta ng pribadong sektor

Mga solusyon sa mga suliranin ng agrikultura
  • Tunay na pagpapatupad ng reporma sa lupa.
  • Pagtatakda ng tamang presyo sa mga produktong agrikultura.
  • Pagbibigay ng subsidy sa maliit na nagdadala.
  • Pagpapatupad ng imbakan,irigasyon, tulay at kalsada.
  • Pagbibigay ng solusyon sa suliranin Ng agrikultura.
  • Pagbibigay ng impormasyon at pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya.
  • Pagtatag ng kooperatiba at bangko rural
Paghihigpit sa mga dayuhang produktong agrikultural na pumasok sa bansa.
>Mga Batas ukol sa Reporma ng lupa
                 Ito ay isang programang nakatuon sa progresibong pamamal ad sa lupa sa pamamagitan ng pamamahagi ng lupa at pagbibigay ng tulong paglilingkod sa mga benepisyaryo upang mapabilis ang antas ng kaunlaran sa mga pook rural.

Department of agrarian reform
                 
 -ang nangungunang ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng reporma sa lupa. Ito ang bumubuo ng mga patakaran,plano at programa na nauukol sa reporma sa lupa.

Land Bank of the Philippines
    
-Ang bangkong tumutugon sa pinansyal na pangangailangan ng programang reforma sa lupa.
     Kasaysayan Ng reporma sa lupa
Ang unang republika
        Idineklara ni Heneral Emillio Aguinaldo ang pagnanais niya na kunin o bawiin ang malalawak na lupain na pagmamay-ari ng mga prayle o paring kastila na tinatawag na Friar Lands. Ngunit Ang kanyang plano ay hindi naisakatuparan sapagkat ang kanyang panunungkulan ay hindi nagtagal.

Panahon ng amerika
          Nagpatupad ang mga amerikano ng ilang Batas upang maipamahagi ang mga lupa sa mga walang sariling lupa.

  • Philippine Bill Ng 1902 

Nagtakda ng lawak ng lupain na maaari lamang ariin ng isang indibidwal at korporasyon at pagbibigay Ng lupang ektarya para sa korporasyon

  • 1902 Land Registration Act
Sa panahong ito ipinukala Ng sistemang Torrens noong panahon ng Amerikano. Ito ay pagpapatala ng mga titulo sa lupa ng mga pilipino. Ang Torrens Title ang nagbigay-daan upang agawin ang lupang walang titulo na binubungkal ng mga magsasaka.

  • 1903 Public Land Act

Ito ay Batas na nagbigay daan sa pamimigay ng mga lupang pampubliko sa mga pamilyang bumubungkal ng lupa na hindi hihigit sa 16 na ektarya.

  • Tenancy Act ng 1933(Batas Blg. 4054 at 4113)

Ito ay Batas na nagsasaayos ng ugnayan sa pagitan Ng may-ari ng lupa at Ang nagbubungkal Ng lupa na tinatamnan ng palay(50-50 ang hatian).
Panahon ng commonwealth

  • Commonwealth Act Blg.178

Ito ay may kinalaman sa pagkontrol sa relasyon ng may-ari ng lupa at nagbubungkal nito.

  • National Rice and Corn Corporation (NARIC)

Ang nagtatakda ng presyo Ng bigas at mais upang matulungan Ang mahihirap na magsasaka at konsyumer.

  • Commonwealth Act Blg.441

Ito Ang nagbunsod sa pagkakatatag ng National Settlement Administration.

  • Rural Program Administration

Ito ay pagbili at pagpapaupa ng mga hacienda sa mga magsasaka.
























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento